What Happened? || Macolet AU - Chapter 19 - vivaciousgeek (2024)

Chapter Text

I literally don't know what to do now. Mikha is wasted and so as Maloi. Hindi ko talaga gets bakit sinabayan niya sa pag-inom itong babaeng ’to lalo na’t alam niyang may practice pa kami bukas. Two days na lang at mismong event na tapos ngayon pa siya iinom nang iinom.

"Tinawagan ko na pinsan ni Mikha, papunta na siya." Gwen mentioned and hid her phone inside her pocket.

Umiwas ng tingin si Shee at nagkunwaring walang narinig. Hindi ko alam kung anong meron sa dalawang ’to pero sa tuwing may ibang kausap si Gwen nananahimik agad si Sheena. Ugali ba talaga nilang lahat ’yun? Kapag nagseselos tatahimik?

"Eh dito? Sino maghahatid?" I asked, referring to Maloi na ngayon ay nakasandal sa balikat ko habang tulog.

"Sinubukan ko tawagan ’yung kapatid niya kaso hindi sumasagot." Shee explained. "Ang alam ko kasi nasa probinsiya sila, kaya mo bang ihatid si Maloi sa bahay nila?"

"Hindi ko pa kabisado ’yung daan. Baka imbes na makapagpahinga agad ’to lalong sumama pakiramdam dahil sa paikot-ikot na byahe." Paliwanag ko at tiningnan si Maloi na ang sarap ng tulog. She smelled alcohol pero nangingibabaw pa rin ’yung pabango niya.

Maya-maya lang ay dumating si Franz. Agad na napakunot ang noo ko. Ang sabi niya nung nag-aya si Shee ay hindi siya makakasama dahil pagod siya pero nandito siya ngayon.

"Si Mikha?" tanong niya ata agad naman itong itinuro ni Gwen. "Kunin ko muna pinsan ko ha? Kita tayo bukas, ganda." He winked at me dahilan para muntikan na akong masuka.

Tarantado ba ’to? Pero wait, pinsan niya? Magpinsan sila ni Mikha? Bakit hindi niya agad sinabi sa akin ’to?

Franz helped Mikha stand up while scolding her. Ang dami niyang sinasabi na kesyo magagalit daw ang dad nito at pababalikin na naman siya sa States. Hanggang doon na lang ang narinig namin dahil nga tuluyan na silang umalis.

"Anong balak mo d’yan?" tanong ni Gwen. "Hindi ko rin pwedeng iuwi ’yan, magagalit si Dad."

"Kaibigan mo naman ’to, Gwen." I rolled my eyes.

"Mainit pa dugo ni Dad sa ’kin. Hindi na nga ata lalamig." She crossed her arms at lumingon kay Shee na tahimik pa rin. "Anong nangyari sa ’yo, bakit ang tahimik mo?"

"Wala. I'll just go to the restroom." Shee stood up at naglakad na nga papalayo.

"Ano bang nangyari at sobrang init ng dugo sa ’yo ng tatay mo? Dati pa ’yan sinasabi sa ’kin ni Aiah. Kaya raw hindi ka madalas mayaya kasi grounded ka. Kung hindi ka busy sa mga auditions mo, hindi ka naman papayagan lumabas." I sighed.

I felt Maloi's wrapped her arms around me para hindi ako masyadong gumalaw. Baka nahihirapan na siya sa pwesto niya.

"Dad and I will never be okay unless hindi ako tumigil sa mga auditions. He wants me to become his heir kahit sobrang dami kong kuya. He wants to decide things for me." Gwen looked away at halatang pinipigilan na lang niya ang sarili na mag-overshare. "He'll do everything para mas lalong lumago ang business."

"Hindi ba connected sa company ninyo sila Mikha? Maybe if you guys became business partners, hindi na mamilit dad mo. Tutal gusto niya lang naman ng partners ‘di ba?"

"Mikha and Aiah's family didn't want to be my Dad's business partner, knowing his reputation. Hindi ka ba nagtataka bakit ang company nila Franz at Mikha ay hindi nagme-merge even though they are practically magpinsang buo?" Gwen chuckled. "That's because Franz's Dad and my Dad have the same goal. Pahirapin ang mga mahihirap at payamin ang mayayaman. That's why I didn't want to be part of their business. I have principles."

"That's too deep. Buti na lang hindi ako mayaman, hindi ko kailangan mag-isip ng ganyan," I said and looked at Maloi who was still sleeping.

"Nakakainggit nga kayo ni Maloi. Wala kayong masyadong problem about sa family. Ang happy nyo lang palagi. Kung ako papapiliin mas gusto ko nang walang pera pero masaya kaysa naman sa may pera ka nga, ’di mo naman kontrolado buhay mo." Gwen sighed and looked around dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Shee.

"Anyways, nagbook na ako ng grab, once na dumating ’yon mauuna na ako. Sa bahay ko na lang siguro papatulugin si Maloi." I told her. "You can go and look for Sheena."

Gwen stood up after hearing what I said. Ayaw niya lang talaga ako iwan kanina pero kating-kati na siya hanapin ’yung isa.

When the grab came, agad kong inalalayan si Maloi para sumakay. Buti na lang hindi nagbu-burp after sumuka kasi kung oo, iiwan ko talaga siya somewhere. Subukan lang niya.

After kong bayaran ang driver, hirap na hirap akong buhatin siya papasok ng bahay. Wala namang tao sa sala dahil panigurado late na naman uuwi si Tin. Si Mama at Papa siguro nasa work pa. Buti na lang talaga.

Habang busy ako sa pag-alalay kay Maloi, nagulat ako nang may tumulong sa akin mula sa likuran. Nanlaki ang mata ko nang makita si Papa. He gestured me na mamaya na ako magpaliwanag at ihahatid muna namin si Maloi sa kwarto ko.

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Akala ko may gig siya ngayon? Bakit siya nandito? Kakauwi lang ba nila? Nakakahiya naman. Wala na nga akong ambag sa pamilyang ’to, nag-uuwi pa ako ng babae.

Pagkatapos kong ihiga si Maloi sa kama ay inutusan ako ni Papa na hilamusan ko muna siya at palitan ng damit para komportable siyang makatulog na agad ko namang tinanggihan.

"Bakit? Anong gusto mo, ako ang magpalit?" tanong niya sa mahinang boses para hindi magising si Maloi.

Paano ba ’to?

"Pwede namang hindi ah?" I rubbed the back of my neck at tiningnan si Maloi na mukha namang komportable.

"Punasan mo ’yan, Maria Nicolette. Gusto mo ba kapag nalasing ka hindi ka asikasuhin?" tanong niya.

"Hindi naman ako nalalasing?" Depensa ko dahilan para batukan na ako ng ama ko. "Aray." I pouted.

"Sige na, asikasuhin mo muna siya at hihintayin kita sa sala para magpaliwanag." Lumabas na si Papa sa kwarto ko at naiwan akong mag-isa kay Maloi.

I looked at her again and tucked the remaining hair behind her ear. How could this person be this beautiful even when drunk? Although naaamoy ko ’yung alcohol sa kanya mas naaamoy ko ’yung pabango niya. I wonder how many guys were trying to pursue her. Siguro if hindi siya stuck sa banda at lumalabas labas siya ang dami nang pumuporma rito.

"Loi," I whispered while slowly caressing her cheeks. Her lips was tempting. Gusto ko siyang halikan ulit pero piskit. Kabag lang siguro ’to.

Tumayo ako pero agad hinawakan ni Maloi ang braso ko dahilan para matumba na naman ako sa kanya. Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa at ramdam ko ang mainit niyang hininga.

Maloi slowly opened her eyes and looked at me. She gently caressed my cheeks. Unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin at alam ko kung saan na ’to papunta. I don't want to take advantage of her while she's drunk. This is definitely wrong.

"Ano kayang pakiramdam maging girlfriend mo?" Maloi sighed and pursed her lips while still looking at me. "Ang sarap siguro."

"Gusto mo maramdaman?" I asked with a raspy voice.

"Ang?" She was drunk yet she could still talk like this.

"Sakit ng kamao ko," wika ko sabay pakita sa kaniya. "Kung ano ano pinagsasasabi mo." Tinanggal ko ang kamay niya sa akin at rinig ko naman ang pagtawa niya.

Kumuha na ako ng damit para pamalit pero paglingon ay tulog na naman siya. Bahala siya sa buhay niya, matulog siyang ganyan ang suot.

What Happened? || Macolet AU - Chapter 19 - vivaciousgeek (2024)

References

Top Articles
Latest Posts
Article information

Author: Jeremiah Abshire

Last Updated:

Views: 5958

Rating: 4.3 / 5 (54 voted)

Reviews: 85% of readers found this page helpful

Author information

Name: Jeremiah Abshire

Birthday: 1993-09-14

Address: Apt. 425 92748 Jannie Centers, Port Nikitaville, VT 82110

Phone: +8096210939894

Job: Lead Healthcare Manager

Hobby: Watching movies, Watching movies, Knapping, LARPing, Coffee roasting, Lacemaking, Gaming

Introduction: My name is Jeremiah Abshire, I am a outstanding, kind, clever, hilarious, curious, hilarious, outstanding person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.