It Started In Zero (GxG)☑️ - Chapter 9 - Page 2 (2024)

 

"Its an experience so don't be nervous,"sabi ko sa kanya pero ang babae tiningnan lang ako nang masama. Bakit ba ako nagmumukhang masama dito? Inincourage na nga sya di ba?

"Hayaan mo na lang sya Seven. Johanna is Johanna. The forever OA dito sa atin,"sabi ni Sean at tumawa. Halata din namang kinakabahan sya pero mukhang nabawasan dahil naaliw sya sa amin ni Johanna. Katabi ko sya sa kanan ko at si Johanna naman sa kaliwa. Si James naman ay katabi ni Sean.

"Oo nga. Hindi ka pa ba nadadala sa kanya---Aray!" Agad namang tumingin nang masama si James kay Johanna nang makatanggap sya nang palo nang racket sa mukha. Shakit non.

"Hoy kayong dalawang unggoy tigilan nyo ako ha? Baka gusto nyong pagbubugbugin ko ngayon na?" Pagbabanta ni Johanna sa kanila at umalis sa tabi ko at pumunta kung saan si Rebecca.

"Paano mo yun naging kaibigan? Ang brutal," komento ni Sean. Habang si James ayun himas-himas ang ilong na napuruhan kanina.

"Oo nga. Tama bang gamitin ang racket para manakit nang tao?" Gatol naman nitong si James. Kaya nabibigyan eh, gatol nang gatol.

"I don't know too. Pero ganyan naman ata ang magkakaibigan di ba. Bigla na lang nagki-click. Hindi mo alam kung bakit basta may some sort of connection at ayun boom, friends na kayo," nginitian naman nila ako.

"Mula nang mawala ka noon sa big stage nang badminton hindi ka na namin nakita pang muli until one day nakita ka namin dito. Hindi namin akalain na iba ka sa pananaw namin noon sa iyo. Akala namin wala kang pakialam sa iba. Makahawak ka lang nang raketa kumikinang na yang mga mata mo at para mo na ring nahanap ang pinakamahalagang kayamanan dito sa mundo. Ngayon nakikita kita at naririnig ko mula sa iyo ang mga salitang yan, maybe we're wrong. Na kahit prodigy ka ay wala kang pakialam doon. All you care is play the sports that you love. And in the sidelines care for those people around you. Really? Ano pa ba ang wala sa iyo Seven?" nashock ako sa sinabi nya. Wait? Kilala na ako ni Sean noon pa man.

Tiningnan ko rin si James at mukhang nag-aabang din sya sa isasagot ko sa sinabi ni Sean. Kung ganoon pati sya kilala rin ako.

"Kilala nyo ako." Its not a question but a statement. Nginitian lang nila ako bilang sagot. Okay. Hindi ba sila marunong magsabi nang 'Oo o Hindi'.

"Who wouldn't? Sophia Elaine Ventura. The prodigy. Pinakabatang Pilipino na nakakuha nang medalya sa isang international game. Sino'ng badmiton player ang hindi makakakilala saiyo?"

"But that's all in the past. Matagal na yun pero bakit alam nyo parin? Bakit kilala nyo parin ako?"

"Someday, for my country, I will get that olympic gold and bring it home. That's your exact words. Kaya sino'ng hindi makakatanda sa iyo? At a young age, you know how much honor it is to bring our country's flag and play for the country. Kaya ka namin sinubaybayan. Kaya nga nalungkot rin kami nang mawala ka at hindi na muli pang magpakita sa mga badminton tournaments. Maraming lumitaw na magaling pero iba ka." Natawa ako kay Sean. Stalker ko ba ito nang bata ako. Tapos bigla akong may naisip.

"Crush mo ba ako nang mga bata pa tayo?" Akala ko agad nya iyong itatanggi pero imbes na yun ang gawin ay namula lang sya. OMG.

"Hahaha. Oo crush ka nyan noon. Pero noon pa naman yun. Hindi nya naman kasi alam na katulad nya ay babae rin ang hanap mo," Tatawa-tawa pang sabat ni James sa usapan. Na agad din namang natigil dahil binatukan sya ni Sean. Mapag-umanhing tumingin sa akin si Sean.

"Its okay. At saka Sean baka hindi na matupad ang sinabi kong yun."

"Bakit naman?"

"May nauna na kaya sa pangarap kong yun. Mukhang wala naman akong laban sa kanya. Isa na akong laos na manlalaro na nagpunta lang ata dito para ipaalam na kaya ko pa namang maglaro."

Agad namang umalma si James sa narinig. "Hindi totoo yan."

"Bakit naman?" Takang tanong ko. Bakit ba ang laki nang tiwala nila sa akin? Bakit mas tiwala pa sila sa akin kesa ako sa sarili ko?

"Dahil ikaw yan Seven. Yung passion mo for the game? Na ni minsan hindi ko nakita kay Sennon. Oo magaling sya walang duda. Kaya nga sya ang current number one di ba? Pero kung sa galing lang naman ay kaya mo syang pantayan. At kung kaya mo syang pantayan di isa na lang ang magiging basehan. At yun ay kung sino'ng mas gustong manalo. And in that kind of situation what drive athletes the most? It's their passion for the sport." Minsan kaya din naman pala ni James maging matinong kausap.

"Then I'm good to go," sabi ko sa kanila. Tiningnan naman nila ako na nagtatanong kung ano'ng ibig kong sabihin.

"You believe in me then I believe in myself too. Na kaya kung abutin yung naudlot kong pangarap."

"Seven! Sean! James lapit na daw kayo dito! Andito na yung mga foriegn players!"

Si Rebecca yung tumawag. Kaya ayun tumayo na lang kami at lumapit narin kay coach.

Habang papalapit kami doon ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa isa sa mga dayuhang manlalaro. Napakunot-noo ako dahil mukhang pamilyar ang mukha nya. Saan ko nga ba nakita yung singkit na mga matang yun?

Nung napatingin din sya sa akin, katulad ko ay nagtaka rin sya at mukhang inaalala rin kung saan kami nagkita. Mukhang matagal na ata yun dahil hindi ko na talaga mahagilap sa memorya ko.

"Wow Sean may chickababes oh," malokong saad ni James na binatukan lang ni Sean dahil sa kalokohan. "Ito naman masyadon reserve." Dagdag na lamang nito nang masakatan.

"Pero ako lang ba o tinitingnan karin nung singkit Seven? Pati ata yung tatlo pa nyang kasama nakatingin rin sa iyo," puna ni Sean. Kaya napatingin narin ako sa mga kasama nung singkit. Oo nga at nakatingin din sila sa akin. Hindi ko alam kung ano'ng iniisip nung dalawang lalaki kasi mukhang hindi man lang marunong magpakita nang emosyon at yung isa pang babae. Ang sama nang tingin nya sa akin. Okay ano na naman bang kasalanan ko at pati dayuhan galit sa akin?

"Okay guys meet the players na makikipaglaro sa atin ngayon." Isa-isa silang pinakilala ni Mr. Eques.

Park Yoo Jin. Dahil Koreano ay mayroon itong tipikal na singkit na mga mata. Hindi naman yun gaanong kasingkit. Yung tama lang sa mukhan nya. Itim na itim rin yung maikling buhok nya na nakahati slightly to the right. Mataas din sya at matikas ang katawan.

Evan Thompson. Taga-Canada. May kulay asul syang mga mata at blonde na buhok. Mataas lang sya nang ilang inches kay Yoo Jin. Pero katulad nito ay maganda din ang pangangatawan nito. Tamang-tama lang sa paglalaro nang badminton. Kapansin-pansin rin ang peklat sa kanang kilay nito.

Silrica Salvador na galing namang Brazil. Sya yung kanina pa masama ang tingin sa akin. Hindi ko nga rin alam kung ano'ng kasalanan ko sa isang ito. Maputi sya at mataas pero hindi naman naglalayo ang height naming dalawa.

At si Rylin Tzu. Yung tsninitang babaeng kanina. Balingkinitan ang katawan nya parang tulad nang kay Sam. Nakaponytail din sya at ang pagkakatali nya dito ang kasing taas din nung kay Sam. At kung tama ang tantsa ko ay halos magkaheight lang rin silang dalawa.

Pero teka bakit nasali nga pala si Myloves ko dito? Hayy. Namimiss ko na talaga sya.

"Hi I'm Sennon," biglang sulpot nang isang nilalang sa tabi ko. Napatingin naman ako sa kanya. Nagulat pa ako dahil kamukhang kamukha nito si Sab. Ang nakakainis na mukhang asong kapatid ni Samantha. At ano raw? Sennon?

Napatingin lang ako sa kamay nitong nakalahad sa harap ko. Bakit ganito? Parang galit ako? Parang feeling ko inagawan ako? Bakit naiinis ako sa kanya kahit ngayon ko palang sya nakita?

"Yohoo! Ano na?" tawag pansin nya sa akin.

"Auh. I'm Seven." Tipid ko lang na sagot at tinanggap ang pakikipagkamay niya pero agad ko din namang binitiwan at agad na lumayo sa kanya. Pumunta na lang ako malapit kila Johanna at Rebecca.

Hindi ko alam kung bakit ganoon. Na kahit naiinis ako sa kanya at may galit pero naeexcite ako namakaharap sya. Excited ako na talunin sya. Excited akong kunin sa mga labi nya ang ngiting tagumpay na meron sya.

It Started In Zero (GxG)☑️ - Chapter 9 - Page 2 (2024)

References

Top Articles
Latest Posts
Article information

Author: Arline Emard IV

Last Updated:

Views: 5954

Rating: 4.1 / 5 (52 voted)

Reviews: 83% of readers found this page helpful

Author information

Name: Arline Emard IV

Birthday: 1996-07-10

Address: 8912 Hintz Shore, West Louie, AZ 69363-0747

Phone: +13454700762376

Job: Administration Technician

Hobby: Paintball, Horseback riding, Cycling, Running, Macrame, Playing musical instruments, Soapmaking

Introduction: My name is Arline Emard IV, I am a cheerful, gorgeous, colorful, joyous, excited, super, inquisitive person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.